Ni: Romnick M. Nilmao
Sa isang makabuluhang kaganapan, isang batang mag-aaral mula sa SVES (Sun Valley Elementary School) na si Nozomi Sophia E. Gonzales ang nagwagi sa prestihiyosong Read-A-Thon Contest sa English laban sa apat na paaralan sa nakaraang District IV Read-A-Thon Contest na ginanap sa F. Serrano Eleemntary School, at ngayon ay tiyak nang makakasali sa PCFOT (Paranaque City Festival of Talents) 2024. Ang kanyang tagumpay ay hindi lamang nagpapakita ng kanyang husay sa pagbabasa kundi pati na rin ang kanyang dedikasyon at determinasyon.
Sinabi ni Sophia na ang pagbabasa ay isa sa mga mahahalagang gawain na nagpapalawak ng kanyang kaalaman at nagbibigay inspirasyon sa kanya. Tinanggap niya ang kanyang parangal na may pasasalamat sa suporta ng kanyang pamilya at gurong tagapagsanay na si Bb. Princess P. Cruz. Ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng galing at kahusayan ng mga batang mag-aaral mula sa paaralan, patunay sa kanilang dedikasyon sa pagbabasa at pagpapaunlad ng kanilang kasanayan sa wika at panitikan.
Ang pagkakapasok sa PCFOT ay isang malaking pagkakataon para sa bata na ipakita ang kanyang husay at talento sa larangan ng pagbabasa at sining. Congratulations sa batang SVES sa kanyang kampeonato, at sana’y magtagumpay rin siya sa PCFOT 2024!