Romnick M. Nilmao (Guro sa Ikaanim na Baitang)
Ang Sun Valley Elementary School ay hindi lamang isang lugar ng pag-aaral, kundi isang tahanan ng pagtutulungan at kaligtasan para sa mga mag-aaral, guro, at kawani.
Sa layunin na mapanatili ang kapayapaan at proteksyon sa paaralan, ang pamamahala ng Sun Valley Elementary School ay nagtakda ng mga hakbang upang mapalakas ang seguridad, at isa sa mga pangunahing kasangkapan na kanilang ginagamit ay ang Closed-Circuit Television (CCTV). Ikinabit ang 13 yunit na CCTV sa Sun Valley Elementary School na nagbibigay ng kakayahang bantayan ang mga pangyayari sa loob at paligid ng paaralan, ngunit nagbibigay din ng kumpiyansa sa mga magulang at komunidad sa pangkalahatang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Ang mga CCTV cameras ay naka-install sa mga estratehikong lugar tulad ng mga hallway, mga pinto ng paaralan, playground, at mga pasilyo upang mapanatili ang kumpletong bantay-sarado
Sa kabuuan, ang Sun Valley Elementary School ay nagtataglay ng isang modernong sistema ng seguridad na naglalayong mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng paaralan. Sa pamamagitan ng paggamit ng CCTV at iba pang advanced na teknolohiya, ang paaralan ay patuloy na nagsusulong ng pag-unlad at pagpapalakas ng seguridad para sa kinabukasan ng kanilang mga mag-aaral.